Marcos 14

Habang si Hesus ay nasa Betania at kumakain sa bahay ni Simon na dating may malubhang sakit sa balat, dumating ang isang babae. May dala itong mamahaling pabangong nasa sisidlang alabastro. Ang pabangong ito ay gawa sa purong nardo. Binasag niya ang leeg ng sisidlan at saka ibinuhos ang pabango sa ulo ni Hesus.

Mark 14:3 (UKJV) And being in Bethany in the house of Simon the leper, as he sat at food, there came a woman having an alabaster box of ointment of spikenard very precious; and she brake the box, and poured it on his head.

1Dalawang araw na lang noon bago sumapit ang Pista ng Paglampas ng Anghel at Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Ang mga namamahalang pari at ang mga tagapagturo ng Kautusan ay naghahanap ng pagkakataon upang lihim nilang madakip at maipapatay si Hesus.

2Sinabi nila, “Huwag nating gawin sa pista dahil baka magkagulo ang mga tao.”

3Habang si Hesus ay nasa Betania at kumakain sa bahay ni Simon na dating may malubhang sakit sa balat, dumating ang isang babae. May dala itong mamahaling pabangong nasa sisidlang alabastro. Ang pabangong ito ay gawa sa purong nardo. Binasag niya ang leeg ng sisidlan at saka ibinuhos ang pabango sa ulo ni Hesus.

4Nagalit ang ilang tao na naroon. Sinabi nila, “Bakit niya sinayang ang pabango?

5Maipagbibili sana iyon sa halagang katumbas ng isang taóng suweldo, at maibibigay ang pera sa mga mahihirap.” At pinagalitan nila ang babae.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.