Marcos 14

Dinuraan siya ng ilang naroon. Piniringan din siya at sinuntok, at tinanong, “Sige nga, hulaan mo kung sino ang sumuntok sa iyo?” Pagkatapos, kinuha siya ng mga guwardiya at pinagbubugbog.

Mark 14:65 (UKJV) And some began to spit on him, and to cover his face, and to buffet him, and to say unto him, Prophesy: and the servants did strike him with the palms of their hands.

63Nang marinig ito ng punong pari, pinunit niya ang kanyang damit sa galit at sinabi, “Hindi na natin kailangan ng mga saksi!

64Narinig ninyo ang paglapastangan niya sa Diyos. Ano ngayon ang hatol ninyo?” At hinatulan nila si Hesus ng kamatayan.

65Dinuraan siya ng ilang naroon. Piniringan din siya at sinuntok, at tinanong, “Sige nga, hulaan mo kung sino ang sumuntok sa iyo?” Pagkatapos, kinuha siya ng mga guwardiya at pinagbubugbog.

66Habang nasa loob pa ng bakuran si Pedro, dumaan ang isang babaeng utusan ng punong pari.

67Nang makita niya si Pedro na nagpapainit sa apoy, tinitigan niya ito. Sinabi niya, “Kasama ka rin ni Hesus na taga-Nazaret, hindi ba?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.