64Narinig ninyo ang paglapastangan niya sa Diyos. Ano ngayon ang hatol ninyo?” At hinatulan nila si Hesus ng kamatayan.
65Dinuraan siya ng ilang naroon. Piniringan din siya at sinuntok, at tinanong, “Sige nga, hulaan mo kung sino ang sumuntok sa iyo?” Pagkatapos, kinuha siya ng mga guwardiya at pinagbubugbog.
66Habang nasa loob pa ng bakuran si Pedro, dumaan ang isang babaeng utusan ng punong pari.
67Nang makita niya si Pedro na nagpapainit sa apoy, tinitigan niya ito. Sinabi niya, “Kasama ka rin ni Hesus na taga-Nazaret, hindi ba?”
68Ngunit itinanggi ito ni Pedro, “Hindi ko alam ang sinasabi mo.” Pagkatapos, umalis siya roon at pumunta sa may labasan, at noon din ay tumilaok ang manok.