Marcos 14

Nang makita niya si Pedro na nagpapainit sa apoy, tinitigan niya ito. Sinabi niya, “Kasama ka rin ni Hesus na taga-Nazaret, hindi ba?”

Mark 14:67 (UKJV) And when she saw Peter warming himself, she looked upon him, and said, And you also were with Jesus of Nazareth.

65Dinuraan siya ng ilang naroon. Piniringan din siya at sinuntok, at tinanong, “Sige nga, hulaan mo kung sino ang sumuntok sa iyo?” Pagkatapos, kinuha siya ng mga guwardiya at pinagbubugbog.

66Habang nasa loob pa ng bakuran si Pedro, dumaan ang isang babaeng utusan ng punong pari.

67Nang makita niya si Pedro na nagpapainit sa apoy, tinitigan niya ito. Sinabi niya, “Kasama ka rin ni Hesus na taga-Nazaret, hindi ba?”

68Ngunit itinanggi ito ni Pedro, “Hindi ko alam ang sinasabi mo.” Pagkatapos, umalis siya roon at pumunta sa may labasan, at noon din ay tumilaok ang manok.

69Nakita na naman siya roon ng babaeng utusan, kaya sinabi ng babae sa mga taong naroon, “Ang taong iyan ay isa rin sa mga kasamahan ni Hesus.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.