66Habang nasa loob pa ng bakuran si Pedro, dumaan ang isang babaeng utusan ng punong pari.
67Nang makita niya si Pedro na nagpapainit sa apoy, tinitigan niya ito. Sinabi niya, “Kasama ka rin ni Hesus na taga-Nazaret, hindi ba?”
68Ngunit itinanggi ito ni Pedro, “Hindi ko alam ang sinasabi mo.” Pagkatapos, umalis siya roon at pumunta sa may labasan, at noon din ay tumilaok ang manok.
69Nakita na naman siya roon ng babaeng utusan, kaya sinabi ng babae sa mga taong naroon, “Ang taong iyan ay isa rin sa mga kasamahan ni Hesus.”
70Ngunit muling itinanggi ito ni Pedro. Maya-maya, sinabi ng mga taong naroon, “Isa ka nga sa mga kasamahan niya, dahil taga-Galilea ka rin!”