Marcos 16

Ngunit sinabi ng lalaki sa kanila, “Huwag kayong matakot! Alam kong hinahanap ninyo si Hesus na taga-Nazaret na ipinako sa krus. Wala na siya rito. Nabuhay siyang muli! Tingnan ninyo ang pinaglagyan ng bangkay niya.

Mark 16:6 (UKJV) And he says unto them, Be not affrighted: All of you seek Jesus of Nazareth, which was crucified: he has risen; he is not here: behold the place where they laid him.

4Dahil napakalaki ng batong iyon. Ngunit pagdating nila roon, nakita nilang naigulong na sa tabi ang bato.

5Kaya pumasok sila sa libingan, at nakita nila roon ang isang kabataang lalaking nakasuot ng puti na nakaupo sa gawing kanan. Takot na takot sila.

6Ngunit sinabi ng lalaki sa kanila, “Huwag kayong matakot! Alam kong hinahanap ninyo si Hesus na taga-Nazaret na ipinako sa krus. Wala na siya rito. Nabuhay siyang muli! Tingnan ninyo ang pinaglagyan ng bangkay niya.

7Lumakad na kayo, sabihin ninyo sa mga alagad niya, lalo na kay Pedro, na mauuna siya sa inyo sa Galilea. Doon ninyo siya makikita gaya ng sinabi niya.”

8Kaya lumabas sa libingan ang mga babae at tumakbo dahil sa matinding takot. Wala silang pinagsabihan, dahil takot na takot sila. [

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.