5Kaya pumasok sila sa libingan, at nakita nila roon ang isang kabataang lalaking nakasuot ng puti na nakaupo sa gawing kanan. Takot na takot sila.
6Ngunit sinabi ng lalaki sa kanila, “Huwag kayong matakot! Alam kong hinahanap ninyo si Hesus na taga-Nazaret na ipinako sa krus. Wala na siya rito. Nabuhay siyang muli! Tingnan ninyo ang pinaglagyan ng bangkay niya.
7Lumakad na kayo, sabihin ninyo sa mga alagad niya, lalo na kay Pedro, na mauuna siya sa inyo sa Galilea. Doon ninyo siya makikita gaya ng sinabi niya.”
8Kaya lumabas sa libingan ang mga babae at tumakbo dahil sa matinding takot. Wala silang pinagsabihan, dahil takot na takot sila. [
9Maagang-maaga pa nang araw ng Linggo nang nabuhay si Hesus. Una siyang nagpakita kay Maria na taga-Magdala. Siya ang babaeng may pitong demonyo na pinalayas ni Hesus.