Marcos 3

Nang mabalitaan ito ng pamilya ni Hesus, pumunta sila upang kunin siya dahil naisip nilang baka nasisiraan na siya ng bait.

Mark 3:21 (UKJV) And when his friends heard of it, they went out to lay hold on him: for they said, He is beside himself.

19at si Judas Iscariote na siyang nagkanulo kay Hesus kinalaunan.

20Pag-uwi ni Hesus sa bahay na tinutuluyan niya, muling dumating ang napakaraming tao, kaya siya at ang mga alagad niya ay hindi na nagawang kumain.

21Nang mabalitaan ito ng pamilya ni Hesus, pumunta sila upang kunin siya dahil naisip nilang baka nasisiraan na siya ng bait.

22May dumating namang mga tagapagturo ng Kautusan galing sa Jerusalem, at sinabi nila, “Sinasapian siya ni Satanas na pinuno ng mga demonyo. At sa pamamagitan nito, nakakapagpalayas siya ng mga demonyo.”

23Kaya tinawag ni Hesus ang mga tao at nagsalita siya sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga: “Paano naman palalayasin ni Satanas ang sarili niya?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.