21Nang mabalitaan ito ng pamilya ni Hesus, pumunta sila upang kunin siya dahil naisip nilang baka nasisiraan na siya ng bait.
22May dumating namang mga tagapagturo ng Kautusan galing sa Jerusalem, at sinabi nila, “Sinasapian siya ni Satanas na pinuno ng mga demonyo. At sa pamamagitan nito, nakakapagpalayas siya ng mga demonyo.”
23Kaya tinawag ni Hesus ang mga tao at nagsalita siya sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga: “Paano naman palalayasin ni Satanas ang sarili niya?
24Kung ang isang kaharian ay nagkakawatak-watak at naglalaban-laban, babagsak ito.
25Ganoon din kapag nag-aaway-away ang isang sambahayan, magkakawatak-watak ito.