Marcos 3

May dumating namang mga tagapagturo ng Kautusan galing sa Jerusalem, at sinabi nila, “Sinasapian siya ni Satanas na pinuno ng mga demonyo. At sa pamamagitan nito, nakakapagpalayas siya ng mga demonyo.”

Mark 3:22 (UKJV) And the scribes which came down from Jerusalem said, He has Beelzebub, and by the prince of the devils casts he out devils.

20Pag-uwi ni Hesus sa bahay na tinutuluyan niya, muling dumating ang napakaraming tao, kaya siya at ang mga alagad niya ay hindi na nagawang kumain.

21Nang mabalitaan ito ng pamilya ni Hesus, pumunta sila upang kunin siya dahil naisip nilang baka nasisiraan na siya ng bait.

22May dumating namang mga tagapagturo ng Kautusan galing sa Jerusalem, at sinabi nila, “Sinasapian siya ni Satanas na pinuno ng mga demonyo. At sa pamamagitan nito, nakakapagpalayas siya ng mga demonyo.”

23Kaya tinawag ni Hesus ang mga tao at nagsalita siya sa kanila sa pamamagitan ng talinghaga: “Paano naman palalayasin ni Satanas ang sarili niya?

24Kung ang isang kaharian ay nagkakawatak-watak at naglalaban-laban, babagsak ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.