Marcos 5

Nang pasakay na si Hesus sa bangka, nakiusap sa kanya ang lalaking dating sinapian ng demonyo na isama siya.

Mark 5:18 (UKJV) And when he was come into the ship, he that had been possessed with the devil prayed him that he might be with him.

16Ikinuwento sa kanila ng mga nakasaksi kung ano ang nangyari sa taong iyon at sa mga baboy.

17Dahil dito, pinakiusapan ng mga tao si Hesus na umalis sa kanilang lugar.

18Nang pasakay na si Hesus sa bangka, nakiusap sa kanya ang lalaking dating sinapian ng demonyo na isama siya.

19Ngunit hindi pumayag si Hesus. Sa halip, sinabi niya sa lalaki, “Umuwi ka sa pamilya mo at sabihin mo sa kanila ang lahat ng ginawa sa iyo ng Panginoon at kung paano ka niya kinaawaan.”

20Kaya umalis ang lalaki at ipinamalita sa Decapolis ang ginawa sa kanya ni Hesus, at namangha ang lahat ng nakarinig.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.