Marcos 5

Ngunit hindi pumayag si Hesus. Sa halip, sinabi niya sa lalaki, “Umuwi ka sa pamilya mo at sabihin mo sa kanila ang lahat ng ginawa sa iyo ng Panginoon at kung paano ka niya kinaawaan.”

Mark 5:19 (UKJV) Nevertheless Jesus suffered him not, but says unto him, Go home to your friends, and tell them how great things the Lord has done for you, and has had compassion on you.

17Dahil dito, pinakiusapan ng mga tao si Hesus na umalis sa kanilang lugar.

18Nang pasakay na si Hesus sa bangka, nakiusap sa kanya ang lalaking dating sinapian ng demonyo na isama siya.

19Ngunit hindi pumayag si Hesus. Sa halip, sinabi niya sa lalaki, “Umuwi ka sa pamilya mo at sabihin mo sa kanila ang lahat ng ginawa sa iyo ng Panginoon at kung paano ka niya kinaawaan.”

20Kaya umalis ang lalaki at ipinamalita sa Decapolis ang ginawa sa kanya ni Hesus, at namangha ang lahat ng nakarinig.

21Nang makabalik na sina Hesus sa kabilang ibayo ng lawa sakay ng bangka, nasa dalampasigan pa lamang siya ay naglapitan na agad ang napakaraming tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.