Marcos 5

Kaya umalis ang lalaki at ipinamalita sa Decapolis ang ginawa sa kanya ni Hesus, at namangha ang lahat ng nakarinig.

Mark 5:20 (UKJV) And he departed, and began to publish in Decapolis how great things Jesus had done for him: and all men did marvel.

18Nang pasakay na si Hesus sa bangka, nakiusap sa kanya ang lalaking dating sinapian ng demonyo na isama siya.

19Ngunit hindi pumayag si Hesus. Sa halip, sinabi niya sa lalaki, “Umuwi ka sa pamilya mo at sabihin mo sa kanila ang lahat ng ginawa sa iyo ng Panginoon at kung paano ka niya kinaawaan.”

20Kaya umalis ang lalaki at ipinamalita sa Decapolis ang ginawa sa kanya ni Hesus, at namangha ang lahat ng nakarinig.

21Nang makabalik na sina Hesus sa kabilang ibayo ng lawa sakay ng bangka, nasa dalampasigan pa lamang siya ay naglapitan na agad ang napakaraming tao.

22Isa sa mga namumuno sa sinagoga na nagngangalang Jairo ang dumating doon. Pagkakita niya kay Hesus, lumuhod siya sa paanan ni Hesus

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.