Marcos 5

Pumasok siya sa bahay at sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo nagkakagulo at nag-iiyakan? Hindi patay ang bata kundi natutulog lang!”

Mark 5:39 (UKJV) And when he was come in, he says unto them, Why make all of you this disturbance, and weep? the damsel is not dead, but sleeps.

37Hindi pinayagan ni Hesus ang mga tao na sumáma sa kanya sa bahay ni Jairo maliban kay Pedro at sa magkapatid na Santiago at Juan.

38Pagdating nila roon, nakita ni Hesus ang kaguluhan, may mga umiiyak at humahagulgol.

39Pumasok siya sa bahay at sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo nagkakagulo at nag-iiyakan? Hindi patay ang bata kundi natutulog lang!”

40Ngunit pinagtawanan lamang siya ng mga ito. Pinalabas niya silang lahat maliban sa amaʼt ina ng bata at sa tatlo niyang alagad. Pagkatapos, pumasok sila sa kuwartong kinaroroonan ng bata.

41Hinawakan niya ito sa kamay at sinabi, “Talitha koum!” (na ang ibig sabihin ay “Ineng, bumangon ka”).

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.