Marcos 5

Ngunit pinagtawanan lamang siya ng mga ito. Pinalabas niya silang lahat maliban sa amaʼt ina ng bata at sa tatlo niyang alagad. Pagkatapos, pumasok sila sa kuwartong kinaroroonan ng bata.

Mark 5:40 (UKJV) And they laughed him to scorn. But when he had put them all out, he takes the father and the mother of the damsel, and them that were with him, and enters in where the damsel was lying.

38Pagdating nila roon, nakita ni Hesus ang kaguluhan, may mga umiiyak at humahagulgol.

39Pumasok siya sa bahay at sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo nagkakagulo at nag-iiyakan? Hindi patay ang bata kundi natutulog lang!”

40Ngunit pinagtawanan lamang siya ng mga ito. Pinalabas niya silang lahat maliban sa amaʼt ina ng bata at sa tatlo niyang alagad. Pagkatapos, pumasok sila sa kuwartong kinaroroonan ng bata.

41Hinawakan niya ito sa kamay at sinabi, “Talitha koum!” (na ang ibig sabihin ay “Ineng, bumangon ka”).

42Bumangon naman agad ang bata at naglakad-lakad (siyaʼy labindalawang taóng gulang). Labis ang pagkamangha ng mga nakasaksi sa nangyari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.