39Pumasok siya sa bahay at sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo nagkakagulo at nag-iiyakan? Hindi patay ang bata kundi natutulog lang!”
40Ngunit pinagtawanan lamang siya ng mga ito. Pinalabas niya silang lahat maliban sa amaʼt ina ng bata at sa tatlo niyang alagad. Pagkatapos, pumasok sila sa kuwartong kinaroroonan ng bata.
41Hinawakan niya ito sa kamay at sinabi, “Talitha koum!” (na ang ibig sabihin ay “Ineng, bumangon ka”).
42Bumangon naman agad ang bata at naglakad-lakad (siyaʼy labindalawang taóng gulang). Labis ang pagkamangha ng mga nakasaksi sa nangyari.
43Ngunit mahigpit silang pinagbilinan ni Hesus na huwag ipagsabi kahit kanino ang nangyari. Pagkatapos, sinabihan sila ni Hesus na bigyan ng makakain ang bata.