Marcos 5

Sumigaw siya nang malakas, “Ano ang pakay mo sa akin, Hesus na Anak ng Kataas-taasang Diyos? Nakikiusap ako, sa pangalan ng Diyos, huwag mo akong pahirapan!”

Mark 5:7 (UKJV) And cried with a loud voice, and said, What have I to do with you, Jesus, you Son of the most high God? I adjure you by God, that you torment me not.

5Araw at gabi siyang sumisigaw sa libingan at kaburulan, at sinusugatan niya ng bato ang kanyang sarili.

6Malayo pa lang ay natanaw na niya si Hesus kaya patakbo siyang lumapit at lumuhod sa harapan nito.

7Sumigaw siya nang malakas, “Ano ang pakay mo sa akin, Hesus na Anak ng Kataas-taasang Diyos? Nakikiusap ako, sa pangalan ng Diyos, huwag mo akong pahirapan!”

8Sinabi niya ito sapagkat iniutos ni Hesus, “Ikaw na masamáng espiritu, lumabas ka sa taong iyan!”

9Tinanong siya ni Hesus, “Ano ang pangalan mo?” Sumagot siya, “Hukbo ang pangalan ko, kasi marami kami.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.