Marcos 5

Tinanong siya ni Hesus, “Ano ang pangalan mo?” Sumagot siya, “Hukbo ang pangalan ko, kasi marami kami.”

Mark 5:9 (UKJV) And he asked him, What is your name? And he answered, saying, My name is Legion: for we are many.

7Sumigaw siya nang malakas, “Ano ang pakay mo sa akin, Hesus na Anak ng Kataas-taasang Diyos? Nakikiusap ako, sa pangalan ng Diyos, huwag mo akong pahirapan!”

8Sinabi niya ito sapagkat iniutos ni Hesus, “Ikaw na masamáng espiritu, lumabas ka sa taong iyan!”

9Tinanong siya ni Hesus, “Ano ang pangalan mo?” Sumagot siya, “Hukbo ang pangalan ko, kasi marami kami.”

10At paulit-ulit itong nagmakaawa kay Hesus na huwag silang palayasin sa lupaing iyon.

11Sa di-kalayuan ay may malaking kawan ng mga baboy na nagsisikain sa gilid ng burol.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.