6Malayo pa lang ay natanaw na niya si Hesus kaya patakbo siyang lumapit at lumuhod sa harapan nito.
7Sumigaw siya nang malakas, “Ano ang pakay mo sa akin, Hesus na Anak ng Kataas-taasang Diyos? Nakikiusap ako, sa pangalan ng Diyos, huwag mo akong pahirapan!”
8Sinabi niya ito sapagkat iniutos ni Hesus, “Ikaw na masamáng espiritu, lumabas ka sa taong iyan!”
9Tinanong siya ni Hesus, “Ano ang pangalan mo?” Sumagot siya, “Hukbo ang pangalan ko, kasi marami kami.”
10At paulit-ulit itong nagmakaawa kay Hesus na huwag silang palayasin sa lupaing iyon.