9Ang bilang ng mga taong kumain ay mga apat na libo. Matapos pauwiin ni Hesus ang mga tao,
10agad siyang sumakay sa bangka kasama ang mga alagad niya, at pumunta sila sa Dalmanuta.
11Pagdating nila roon, may dumating na mga Pariseo at nagsimulang makipagtalo kay Hesus. Gusto nila siyang subukin kaya hiniling nilang magpamalas siya ng tanda mula sa langit na sugo nga siya ng Diyos.
12Kaya napabuntong-hininga si Hesus at sinabi, “Bakit nga ba humihingi ng tanda ang mga tao sa panahong ito? Sinasabi ko sa inyo ang totoo, walang anumang tanda na ipapakita sa inyo.”
13Pagkatapos, iniwan niya sila. Sumakay ulit siya sa bangka at tumawid sa kabilang ibayo.