Marcos 8

Kung pauuwiin ko sila nang gutom, baka himatayin sila sa daan dahil malayo pa ang pinanggalingan ng iba sa kanila.”

Mark 8:3 (UKJV) And if I send them away fasting to their own houses, they will faint by the way: for divers of them came from far.

1Sa mga araw na iyon, muling nagtipon ang napakaraming tao sa kinaroroonan ni Hesus. At dahil wala na silang makain, tinawag ni Hesus ang mga alagad niya at sinabi,

2“Naaawa ako sa mga taong ito. Tatlong araw ko na silang kasama at wala na silang makain.

3Kung pauuwiin ko sila nang gutom, baka himatayin sila sa daan dahil malayo pa ang pinanggalingan ng iba sa kanila.”

4Sumagot ang mga alagad niya, “Saan po tayo kukuha ng sapat na pagkain dito sa ilang para sa ganito karaming tao?”

5Tinanong sila ni Hesus, “Ilan ang tinapay ninyo riyan?” Sinabi nila, “Pito po.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.