2“Naaawa ako sa mga taong ito. Tatlong araw ko na silang kasama at wala na silang makain.
3Kung pauuwiin ko sila nang gutom, baka himatayin sila sa daan dahil malayo pa ang pinanggalingan ng iba sa kanila.”
4Sumagot ang mga alagad niya, “Saan po tayo kukuha ng sapat na pagkain dito sa ilang para sa ganito karaming tao?”
5Tinanong sila ni Hesus, “Ilan ang tinapay ninyo riyan?” Sinabi nila, “Pito po.”
6Pinaupo ni Hesus sa lupa ang mga tao. Kinuha niya ang pitong tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ito at ibinigay sa mga alagad niya para ipamigay sa mga tao. At ginawa nga nila ito.