4Sumagot ang mga alagad niya, “Saan po tayo kukuha ng sapat na pagkain dito sa ilang para sa ganito karaming tao?”
5Tinanong sila ni Hesus, “Ilan ang tinapay ninyo riyan?” Sinabi nila, “Pito po.”
6Pinaupo ni Hesus sa lupa ang mga tao. Kinuha niya ang pitong tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ito at ibinigay sa mga alagad niya para ipamigay sa mga tao. At ginawa nga nila ito.
7Mayroon din silang ilang maliliit na isda. Nagpasalamat si Hesus para sa mga iyon at iniutos niya sa kanyang mga alagad na ipamigay din sa mga tao.
8Kumain sila at nabusog. Pagkatapos, tinipon nila ang natirang pagkain, at nakapuno sila ng pitong kaing.