16“Sa anong bagay ko maihahambing ang henerasyong ito? Katulad sila ng mga batang nakaupo sa plasa na nagrereklamo sa kanilang mga ibang kalaro:
17‘Tinugtugan namin kayo ng tugtuging pangkasal, ngunit hindi kayo sumayaw! Umawit kami ng awit ng pagluluksa, ngunit hindi kayo umiyak!’
18Sapagkat nang dumating dito si Juan, nakita nilang nag-aayuno siya at hindi umiinom ng alak, kaya sinabi nila, ‘Sinasapian siya ng demonyo.’
19Nang dumating naman ang Anak ng Tao, nakita nilang kumakain siya at umiinom, at sinabi naman nila, ‘Ang taong iyan ay matakaw at lasenggo, at kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng iba pang makasalanan.’ Ganoon pa man, ang karunungan ay napapatunayang tama sa buhay ng mga taong tumanggap nito.”
20Pagkatapos, sinumbatan ni Hesus ang mga bayang nakasaksi ng maraming himala na kanyang ginawa, dahil hindi sila nagsisi at tumalikod sa kanilang mga kasalanan.