Mateo 11

Nang dumating naman ang Anak ng Tao, nakita nilang kumakain siya at umiinom, at sinabi naman nila, ‘Ang taong iyan ay matakaw at lasenggo, at kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng iba pang makasalanan.’ Ganoon pa man, ang karunungan ay napapatunayang tama sa buhay ng mga taong tumanggap nito.”

Matthew 11:19 (UKJV) The Son of man came eating and drinking, and they say, Behold a man gluttonous, and a wine indulger, a friend of publicans and sinners. But wisdom is justified of her children.

17‘Tinugtugan namin kayo ng tugtuging pangkasal, ngunit hindi kayo sumayaw! Umawit kami ng awit ng pagluluksa, ngunit hindi kayo umiyak!’

18Sapagkat nang dumating dito si Juan, nakita nilang nag-aayuno siya at hindi umiinom ng alak, kaya sinabi nila, ‘Sinasapian siya ng demonyo.’

19Nang dumating naman ang Anak ng Tao, nakita nilang kumakain siya at umiinom, at sinabi naman nila, ‘Ang taong iyan ay matakaw at lasenggo, at kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng iba pang makasalanan.’ Ganoon pa man, ang karunungan ay napapatunayang tama sa buhay ng mga taong tumanggap nito.”

20Pagkatapos, sinumbatan ni Hesus ang mga bayang nakasaksi ng maraming himala na kanyang ginawa, dahil hindi sila nagsisi at tumalikod sa kanilang mga kasalanan.

21Sinabi niya, “Nakakaawa kayong mga taga-Corazin! Nakakaawa rin kayong mga taga-Betsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon naganap ang mga himalang ginawa ko sa inyo, matagal na sana silang nagsuot ng sako at naglagay ng abo sa kanilang ulo para ipakitang silaʼy nagsisisi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.