Mateo 15

Kumain silang lahat at nabusog. Pagkatapos, inipon nila ang mga natirang pagkain at nakapuno sila ng pitong basket.

Matthew 15:37 (UKJV) And they did all eat, and were filled: and they took up of the broken food that was left seven baskets full.

35Pinaupo ni Hesus ang mga tao.

36Kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, hinati-hati niya ang pagkain at ibinigay sa kanyang mga alagad, at ipinamigay naman nila ito sa mga tao.

37Kumain silang lahat at nabusog. Pagkatapos, inipon nila ang mga natirang pagkain at nakapuno sila ng pitong basket.

38Ang bilang ng mga lalaking kumain ay mga apat na libo maliban pa sa mga babae at mga bata.

39Matapos pauwiin ni Hesus ang mga tao, sumakay siya sa bangka at pumunta sa lupain ng Magadan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.