Mateo 23

Ganyang-ganyan kayo, dahil sa paningin ng mga taoʼy pawang kabutihan ang ginagawa ninyo, ngunit ang kalooban ninyoʼy puno ng pagkukunwari at kasamaan.

Matthew 23:28 (UKJV) Even so all of you also outwardly appear righteous unto men, but within all of you are full of hypocrisy and iniquity.

26Mga bulag na Pariseo! Linisin muna ninyo ang loob ng tasa at baso, at magiging malinis din ang labas nito.

27“Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Maihahalintulad kayo sa mga libingang pininturahan ng puti at magandang tingnan sa labas, ngunit ang nasa loob ay puro kalansay at iba pang maruruming bagay.

28Ganyang-ganyan kayo, dahil sa paningin ng mga taoʼy pawang kabutihan ang ginagawa ninyo, ngunit ang kalooban ninyoʼy puno ng pagkukunwari at kasamaan.

29“Nakakaawa kayong mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Ipinagtatayo ninyo ng magagandang mga libingan ang mga propeta at ang mga taong matuwid, at pinapalamutian pa ninyo ito.

30At sinasabi ninyo na kung buhay sana kayo sa panahon ng inyong mga ninuno, hindi ninyo papatayin ang mga propeta tulad ng ginawa nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.