Mateo 25

Ngunit ang alipin na binigyan ng isang libo ay humukay sa lupa at itinago roon ang perang ibinigay ng kanyang panginoon.

Matthew 25:18 (UKJV) But he that had received one went and dug in the earth, and hid his lord's money.

16Ang alipin na binigyan ng limang libo ay kaagad na umalis at ginamit sa negosyo ang pera. At tumubo siya ng limang libo.

17Ganoon din ang ginawa ng alipin na binigyan ng dalawang libo. At tumubo siya ng dalawang libo.

18Ngunit ang alipin na binigyan ng isang libo ay humukay sa lupa at itinago roon ang perang ibinigay ng kanyang panginoon.

19“Pagkalipas ng mahabang panahon, bumalik ang amo nila at ipinatawag sila para magbalita tungkol sa perang ipinagkatiwala sa kanila.

20Lumapit ang alipin na nakatanggap ng limang libo at sinabi, ‘Panginoon, heto po ang limang libo na ibinigay nʼyo sa akin, at ang karagdagang limang libo na tinubo ko.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.