11Ang mga mahihirap ay palagi ninyong makakasama, ngunit ako ay hindi.
12Binuhusan niya ako ng pabango para ihanda ang aking katawan sa aking libing.
13Sinasabi ko sa inyo ang totoo, saan man ipangaral ang Magandang Balita sa buong mundo, dooʼy ipapahayag din ang ginawa niyang ito sa akin bilang pag-alaala sa kanya.”
14Si Judas Iscariote na isa sa labindalawang alagad ay pumunta sa mga namamahalang pari.
15Sinabi niya sa kanila, “Ano po ang ibabayad ninyo sa akin kung tutulungan ko kayong madakip si Hesus?” Noon din ay binigyan nila si Judas ng tatlumpung pirasong pilak.