Mateo 26

Sinabi niya sa kanila, “Ano po ang ibabayad ninyo sa akin kung tutulungan ko kayong madakip si Hesus?” Noon din ay binigyan nila si Judas ng tatlumpung pirasong pilak.

Matthew 26:15 (UKJV) And said unto them, What will all of you give me, and I will deliver him unto you? And they covenanted with him for thirty pieces of silver.

13Sinasabi ko sa inyo ang totoo, saan man ipangaral ang Magandang Balita sa buong mundo, dooʼy ipapahayag din ang ginawa niyang ito sa akin bilang pag-alaala sa kanya.”

14Si Judas Iscariote na isa sa labindalawang alagad ay pumunta sa mga namamahalang pari.

15Sinabi niya sa kanila, “Ano po ang ibabayad ninyo sa akin kung tutulungan ko kayong madakip si Hesus?” Noon din ay binigyan nila si Judas ng tatlumpung pirasong pilak.

16Mula noon, humanap na si Judas ng pagkakataon para ipagkanulo si Hesus.

17Nang dumating ang unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, lumapit ang mga alagad ni Hesus at nagtanong, “Saan nʼyo po kami gustong maghanda ng hapunan para sa Pista ng Paglampas ng Anghel?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.