9Sapagkat ang pagkagiba ng Samaria ay parang sugat na hindi na gagaling, at mangyayari din ito sa Juda hanggang sa Jerusalem na siyang kabisera na lungsod ng aking mga kababayan.
10Huwag ninyo itong ipamalita sa Gat. Huwag kayong tatangis kahit isang patak man lang. Sa Bet-leafra kayo maglupasay sa abo.
11Mga mamamayan ng Shafir, bibihagin kayo at dadalhing nakahubad, kaya mapapahiya kayo. Ang mga mamamayan ng Zaanan ay matatakot lumabas sa kanilang bayan. Ang mga taga-Bet-ezel ay hindi rin makakatulong sa inyo dahil sila rin ay umiiyak.
12Ang mga taga-Marot ay hindi mapakali, naghihintay sila ng saklolo, sapagkat dumating na ang kapahamakang mula sa Panginoon at umabot na hanggang sa bungad ng Jerusalem.
13Mga mamamayan ng Laquis, isingkaw ninyo ang mga kabayo sa karwahe at tumakas kayo. Ginaya ninyo ang kasalanang ginawa ng mga taga-Israel, at dahil sa inyoʼy nagkasala rin ang mga taga-Zion.