Micas 1

Mga mamamayan ng Laquis, isingkaw ninyo ang mga kabayo sa karwahe at tumakas kayo. Ginaya ninyo ang kasalanang ginawa ng mga taga-Israel, at dahil sa inyoʼy nagkasala rin ang mga taga-Zion.

Micah 1:13 (UKJV) O you inhabitant of Lachish, bind the chariot to the swift beast: she is the beginning of the sin to the daughter of Zion: for the transgressions of Israel were found in you.

11Mga mamamayan ng Shafir, bibihagin kayo at dadalhing nakahubad, kaya mapapahiya kayo. Ang mga mamamayan ng Zaanan ay matatakot lumabas sa kanilang bayan. Ang mga taga-Bet-ezel ay hindi rin makakatulong sa inyo dahil sila rin ay umiiyak.

12Ang mga taga-Marot ay hindi mapakali, naghihintay sila ng saklolo, sapagkat dumating na ang kapahamakang mula sa Panginoon at umabot na hanggang sa bungad ng Jerusalem.

13Mga mamamayan ng Laquis, isingkaw ninyo ang mga kabayo sa karwahe at tumakas kayo. Ginaya ninyo ang kasalanang ginawa ng mga taga-Israel, at dahil sa inyoʼy nagkasala rin ang mga taga-Zion.

14Kaya, kayong mga mamamayan ng Juda, magpadala kayo ng mga regalong pamamaalam sa Moreset-gat. Lilinlangin ng bayan ng Aczib ang mga hari ng Israel.

15Kayong mga mamamayan ng Maresa, padadalhan kayo ng Panginoon ng kalabang sasakop sa inyo. Mga taga-Juda, ang inyong mga pinuno ay magtatago sa Adulam.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.