Micas 1

Kayong mga mamamayan ng Maresa, padadalhan kayo ng Panginoon ng kalabang sasakop sa inyo. Mga taga-Juda, ang inyong mga pinuno ay magtatago sa Adulam.

Micah 1:15 (UKJV) Yet will I bring an heir unto you, O inhabitant of Mareshah: he shall come unto Adullam the glory of Israel.

13Mga mamamayan ng Laquis, isingkaw ninyo ang mga kabayo sa karwahe at tumakas kayo. Ginaya ninyo ang kasalanang ginawa ng mga taga-Israel, at dahil sa inyoʼy nagkasala rin ang mga taga-Zion.

14Kaya, kayong mga mamamayan ng Juda, magpadala kayo ng mga regalong pamamaalam sa Moreset-gat. Lilinlangin ng bayan ng Aczib ang mga hari ng Israel.

15Kayong mga mamamayan ng Maresa, padadalhan kayo ng Panginoon ng kalabang sasakop sa inyo. Mga taga-Juda, ang inyong mga pinuno ay magtatago sa Adulam.

16Kukunin sa inyo ang pinakamamahal ninyong mga anak at dadalhin sa ibang bayan, kaya magluluksa kayo para sa kanila at ipapakita ninyo ang inyong kalungkutan sa pamamagitan ng pagpapakalbo na parang ulo ng agila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.