2Subalit napopoot kayo sa kabutihan at minamahal ang kasamaan. Binabalatan ninyo ang aking mamamayan, tinatanggalan ninyo ng laman ang kanilang mga buto.
3Kinakain ninyo ang kanilang laman, inaalisan sila ng balat, Binabali ang kanilang buto hanggang magkapira-piraso. Tinatadtad ninyo sila tulad ng mga karneng iluluto, mga laman na pakukuluan sa kaldero.
4“Sa araw ng pagpaparusa sa inyo, hihingi kayo ng tulong sa Panginoon, ngunit hindi niya kayo tutulungan; itatakwil niya kayo dahil sa inyong kasamaang ginagawa.
5“Ito naman ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa mga propetang nanlinlang sa kanyang mga mamamayan, na nangangako ng mabuting kalagayan sa mga nagpapakain sa kanila, ngunit binabantaan nila ng kapahamakan ang ayaw magpakain sa kanila:
6‘Dahil iniligaw ninyo ang aking mga mamamayan, hindi na kayo magkakaroon ng mga pangitain at hindi na kayo makapanghuhula. Para kayong nasa dilim na wala kayong makikita.