Micas 6

Pakinggan ninyo ang sinasabi ng Panginoon: “Tumindig kayo at ilahad ang inyong kaso; iparinig ninyo sa mga bundok at mga burol ang inyong reklamo.

Micah 6:1 (UKJV) Hear all of you now what the LORD says; Arise, contend you before the mountains, and let the hills hear your voice.

1Pakinggan ninyo ang sinasabi ng Panginoon: “Tumindig kayo at ilahad ang inyong kaso; iparinig ninyo sa mga bundok at mga burol ang inyong reklamo.

2“At kayong mga bundok na matitibay na pundasyon ng mundo, pakinggan ninyo ang paratang ng Panginoon laban sa mga Israelita na kanyang mga mamamayan.

3“Mga mamamayan ko, ano ang nagawa kong kasalanan sa inyo? Pinahirapan ko ba kayo? Sagutin ninyo ako.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.