13Ngayoʼy babaliin ko ang pamatok ng pang-aalipin mula sa inyong mga leeg, at kakalasin ko ang tanikala ng pang-aapi ng mga taga-Asiria.”
14Ito naman ang sinasabi ng Panginoon sa mga taga-Asiria: “Mawawala ang lahi ninyo at wawasakin ko ang mga rebulto ninyong kahoy o metal sa templo ng inyong mga diyos-diyosan. Ihahanda ko na ang inyong mga libingan dahil hindi na kayo dapat mabuhay.”
15Mga taga-Juda, tingnan ninyo ang kabundukan! Dumarating na ang mensaherong maghahatid ng magandang balita ng kapayapaan sa inyong bayan. Kaya ipagdiwang ninyo ang inyong mga pista, at tuparin ninyo ang inyong mga panata sa Panginoon. Sapagkat ang masamang bansa ng Asiria ay hindi na sasalakay sa inyo, dahil lubusan na silang lilipulin.