Nahum 1

Ito naman ang sinasabi ng Panginoon sa mga taga-Asiria: “Mawawala ang lahi ninyo at wawasakin ko ang mga rebulto ninyong kahoy o metal sa templo ng inyong mga diyos-diyosan. Ihahanda ko na ang inyong mga libingan dahil hindi na kayo dapat mabuhay.”

Nahum 1:14 (UKJV) And the LORD has given a commandment concerning you, that no more of your name be sown: out of the house of your gods will I cut off the graven image and the molten image: I will make your grave; for you are vile.

12Ito ang sinasabi ng Panginoon sa mga taga-Juda: “Kahit na malakas at marami ang kalaban ninyong taga-Asiria, lilipulin ko sila hanggang sa mawala. Kahit na pinarusahan ko kayo, hindi ko na iyon uulitin pang muli.

13Ngayoʼy babaliin ko ang pamatok ng pang-aalipin mula sa inyong mga leeg, at kakalasin ko ang tanikala ng pang-aapi ng mga taga-Asiria.”

14Ito naman ang sinasabi ng Panginoon sa mga taga-Asiria: “Mawawala ang lahi ninyo at wawasakin ko ang mga rebulto ninyong kahoy o metal sa templo ng inyong mga diyos-diyosan. Ihahanda ko na ang inyong mga libingan dahil hindi na kayo dapat mabuhay.”

15Mga taga-Juda, tingnan ninyo ang kabundukan! Dumarating na ang mensaherong maghahatid ng magandang balita ng kapayapaan sa inyong bayan. Kaya ipagdiwang ninyo ang inyong mga pista, at tuparin ninyo ang inyong mga panata sa Panginoon. Sapagkat ang masamang bansa ng Asiria ay hindi na sasalakay sa inyo, dahil lubusan na silang lilipulin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.