10Para kayong mga lasing na nakapulupot sa matinik na halaman. Lilipulin kayo na parang natutupok na dayami.
11Ang isa sa inyong mga pinuno ay nagbalak ng masama laban sa mga mamamayan ng Panginoon. Masama ang kanyang ipinapayo.
12Ito ang sinasabi ng Panginoon sa mga taga-Juda: “Kahit na malakas at marami ang kalaban ninyong taga-Asiria, lilipulin ko sila hanggang sa mawala. Kahit na pinarusahan ko kayo, hindi ko na iyon uulitin pang muli.
13Ngayoʼy babaliin ko ang pamatok ng pang-aalipin mula sa inyong mga leeg, at kakalasin ko ang tanikala ng pang-aapi ng mga taga-Asiria.”
14Ito naman ang sinasabi ng Panginoon sa mga taga-Asiria: “Mawawala ang lahi ninyo at wawasakin ko ang mga rebulto ninyong kahoy o metal sa templo ng inyong mga diyos-diyosan. Ihahanda ko na ang inyong mga libingan dahil hindi na kayo dapat mabuhay.”