Nahum 1

Ang isa sa inyong mga pinuno ay nagbalak ng masama laban sa mga mamamayan ng Panginoon. Masama ang kanyang ipinapayo.

Nahum 1:11 (UKJV) There is one come out of you, that imagines evil against the LORD, a wicked counsellor.

9Ano man ang kanilang masamang binabalak laban sa Panginoon ay kanyang wawakasan; ang kaguluhang dulot nila ay hindi na mauulit pa.

10Para kayong mga lasing na nakapulupot sa matinik na halaman. Lilipulin kayo na parang natutupok na dayami.

11Ang isa sa inyong mga pinuno ay nagbalak ng masama laban sa mga mamamayan ng Panginoon. Masama ang kanyang ipinapayo.

12Ito ang sinasabi ng Panginoon sa mga taga-Juda: “Kahit na malakas at marami ang kalaban ninyong taga-Asiria, lilipulin ko sila hanggang sa mawala. Kahit na pinarusahan ko kayo, hindi ko na iyon uulitin pang muli.

13Ngayoʼy babaliin ko ang pamatok ng pang-aalipin mula sa inyong mga leeg, at kakalasin ko ang tanikala ng pang-aapi ng mga taga-Asiria.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.