7Ang Panginoon ay mabuti; matibay siyang kanlungan sa oras ng kagipitan, at inaalagaan niya ang nananalig sa kanya.
8Sa pamamagitan ng rumaragasang baha Pupuksain niya ang Nineve. Tutugisin niya sila hanggang sa mamatay.
9Ano man ang kanilang masamang binabalak laban sa Panginoon ay kanyang wawakasan; ang kaguluhang dulot nila ay hindi na mauulit pa.
10Para kayong mga lasing na nakapulupot sa matinik na halaman. Lilipulin kayo na parang natutupok na dayami.
11Ang isa sa inyong mga pinuno ay nagbalak ng masama laban sa mga mamamayan ng Panginoon. Masama ang kanyang ipinapayo.