Nahum 1

Ang Panginoon ay mabuti; matibay siyang kanlungan sa oras ng kagipitan, at inaalagaan niya ang nananalig sa kanya.

Nahum 1:7 (UKJV) The LORD is good, a strong hold in the day of trouble; and he knows them that trust in him.

5Nayayanig ang mundo sa kanyang presensya, pati na ang mga bundok at mga burol, at ang mga tao sa mundo ay nanginginig.

6Sino ang makakatagal sa matinding galit ng Panginoon? Kapag siya ay nagalit, para siyang bumubuga ng apoy, at ang mga bato ay nabibiyak sa harap niya.

7Ang Panginoon ay mabuti; matibay siyang kanlungan sa oras ng kagipitan, at inaalagaan niya ang nananalig sa kanya.

8Sa pamamagitan ng rumaragasang baha Pupuksain niya ang Nineve. Tutugisin niya sila hanggang sa mamatay.

9Ano man ang kanilang masamang binabalak laban sa Panginoon ay kanyang wawakasan; ang kaguluhang dulot nila ay hindi na mauulit pa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.