1Mga taga-Nineve, sinasalakay na kayo ng inyong mga kalaban na magkakalat sa inyo. Kaya guwardiyahan ninyo ang pader ng inyong lungsod at bantayan ang mga daan. Tipunin ninyo ang inyong mga sundalo at humanda kayo sa digmaan.
2Kahit na nilipol ninyo ang Israel at Juda na parang mga tanim na ubas na pinatay, ibabalik ng Panginoon ang kanilang kapangyarihan.
3Pula ang kalasag at damit ng mga sundalo ng inyong kalaban. At sa oras ng kanilang pagsalakay kumikislap ang metal ng kanilang mga karwahe at nagtatatakbo ang kanilang mga kabayo.