Nahum 2

Humahagibis ang kanilang mga karwahe sa mga lansangan, parooʼt parito na sumusugod sa mga liwasan. Nagliliwanag ang mga ito na parang sulo, at kumikislap na parang kidlat.

Nahum 2:4 (UKJV) The chariots shall rage in the streets, they shall clash with one against another in the broad ways: they shall seem like torches, they shall run like the lightnings.

2Kahit na nilipol ninyo ang Israel at Juda na parang mga tanim na ubas na pinatay, ibabalik ng Panginoon ang kanilang kapangyarihan.

3Pula ang kalasag at damit ng mga sundalo ng inyong kalaban. At sa oras ng kanilang pagsalakay kumikislap ang metal ng kanilang mga karwahe at nagtatatakbo ang kanilang mga kabayo.

4Humahagibis ang kanilang mga karwahe sa mga lansangan, parooʼt parito na sumusugod sa mga liwasan. Nagliliwanag ang mga ito na parang sulo, at kumikislap na parang kidlat.

5Inuutusan ng hari ang mga opisyal ng mga kawal. Nagkakandarapa sila papunta sa mga pader upang maglagay ng mga pananggalang para sa mga sundalong wawasak ng pader.

6Ang tarangkahan ng mga ilog ay mabubuksan, at ang palasyo ay guguho.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.