Nahum 2

Inuutusan ng hari ang mga opisyal ng mga kawal. Nagkakandarapa sila papunta sa mga pader upang maglagay ng mga pananggalang para sa mga sundalong wawasak ng pader.

Nahum 2:5 (UKJV) He shall recount his nobles: they shall stumble in their walk; they shall make haste to the wall thereof, and the defence shall be prepared.

3Pula ang kalasag at damit ng mga sundalo ng inyong kalaban. At sa oras ng kanilang pagsalakay kumikislap ang metal ng kanilang mga karwahe at nagtatatakbo ang kanilang mga kabayo.

4Humahagibis ang kanilang mga karwahe sa mga lansangan, parooʼt parito na sumusugod sa mga liwasan. Nagliliwanag ang mga ito na parang sulo, at kumikislap na parang kidlat.

5Inuutusan ng hari ang mga opisyal ng mga kawal. Nagkakandarapa sila papunta sa mga pader upang maglagay ng mga pananggalang para sa mga sundalong wawasak ng pader.

6Ang tarangkahan ng mga ilog ay mabubuksan, at ang palasyo ay guguho.

7Naipahayag na, na bibihagin kayo at dadalhin sa ibang bayan. Uungol ang inyong mga utusang babae na parang kalapati habang dinadagukan nila ang kanilang dibdib dahil sa kalungkutan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.