4Humahagibis ang kanilang mga karwahe sa mga lansangan, parooʼt parito na sumusugod sa mga liwasan. Nagliliwanag ang mga ito na parang sulo, at kumikislap na parang kidlat.
5Inuutusan ng hari ang mga opisyal ng mga kawal. Nagkakandarapa sila papunta sa mga pader upang maglagay ng mga pananggalang para sa mga sundalong wawasak ng pader.
6Ang tarangkahan ng mga ilog ay mabubuksan, at ang palasyo ay guguho.
7Naipahayag na, na bibihagin kayo at dadalhin sa ibang bayan. Uungol ang inyong mga utusang babae na parang kalapati habang dinadagukan nila ang kanilang dibdib dahil sa kalungkutan.
8Ang mga taong tumatakas mula sa Nineve ay parang tubig na umagos mula sa nawasak na imbakan ng tubig. Ang mga tumatakas ay pinapabalik ng kanilang mga kasama ngunit wala ni isa mang bumalik.