9Ang Etiopia at ang buong Ehipto ang pinanggagalingan ng lakas ng Tebez, at ang akala niyaʼy mananatili ito magpakailanman. Ang Put at ang Libya ay mga bansang kakampi rin niya.
10Ganoon pa man, naging bihag pa rin ang kanyang mga mamamayan at dinala sa ibang lugar. Ang kanilang mga anak ay pinagdudurog sa mga lansangan. Ginapos ng kadena ang kanilang mga tinitingalang mamamayan at pinaghiwa-hiwalay para gawing alipin sa pamamagitan ng palabunutan.
11Kayo ring mga taga-Nineve, kikilos kayong parang mga lasing. Magtatago kayo at maghahanap ng kanlungan mula sa inyong mga kaaway.
12Ang lahat ng inyong mga napapaderang lungsod ay magiging parang mga puno ng igos na ang unang bunga ay hinog na; at kapag inuga ang puno, malalaglag ang mga bunga at maaari nang kainin.
13Tingnan ninyo ang inyong mga kawal para silang mga babae! Ang tarangkahan ng pintuan ng inyong lungsod ay masusunog, kaya madali na itong mapapasok ng inyong mga kalaban.