4Mangyayari ito sa Nineve dahil para siyang babaeng bayaran, isa siyang mapang-akit na mangkukulam. Sa pang-aakit niya, naaalipin niya ang mga bansa; sa panggagayuma niya, nasasakop niya sila.
5Sinabi ng Panginoong Makapangyarihan, “Mga taga-Nineve, kalaban ko kayo! Kaya ipapahiya ko kayo sa harapan ng mga bansa at mga kaharian. Makikita nila kayong huboʼt hubad katulad sa isang babaeng itinaas ang palda hanggang ulo.
6Kasusuklaman ko kayo; hahagisan ko kayo ng dumi at papanoorin kayo ng mga tao.
7Lahat ng makakakita sa inyo ay lalayo sa inyo at sasabihing, ‘Nawasak na ang Nineve. Sino ang magluluksa para sa kanya?’ Walang mahahanap na aaliw sa kanya.”
8Higit bang mabuti ang Nineve kaysa sa lungsod ng Tebes na malapit sa Ilog Nilo? Ang ilog na ito ang pinakapader ng Tebez na nagsisilbing proteksyon nito.