Nehemias 10

“Nangako pa kami na dadalhin namin sa mga pari ang pinakamagandang klase ng aming harina at ang iba pang mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon, upang ilagay sa bodega ng Templo ng Diyos. Dadalhin din namin ang pinakamabuti naming mga prutas, at ang bagong alak at langis ng olibo. Dadalhin din namin sa mga Levita ang ikapu ng aming mga ani dahil sila ang nangongolekta ng mga ikapu sa lahat ng bayang may mga sakahan.

Nehemiah 10:37 (UKJV) And that we should bring the first-fruits of our dough, and our offerings, and the fruit of all manner of trees, of wine and of oil, unto the priests, to the chambers of the house of our God; and the tithes of our ground unto the Levites, that the same Levites might have the tithes in all the cities of our tillage.

35“Nangako rin kami na dadalhin namin bawat taon sa bahay ng Panginoon ang unang ani ng aming bukirin at ang unang bunga ng aming mga tanim.

36“Dadalhin din namin sa mga pari na naglilingkod sa Templo ng aming Diyos ang aming panganay na anak na lalaki, pati ang unang anak ng aming mga baka, tupa, at kambing, ayon sa nasusulat sa Kautusan.

37“Nangako pa kami na dadalhin namin sa mga pari ang pinakamagandang klase ng aming harina at ang iba pang mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon, upang ilagay sa bodega ng Templo ng Diyos. Dadalhin din namin ang pinakamabuti naming mga prutas, at ang bagong alak at langis ng olibo. Dadalhin din namin sa mga Levita ang ikapu ng aming mga ani dahil sila ang nangongolekta ng mga ikapu sa lahat ng bayang may mga sakahan.

38Kapag mangongolekta ng ikapu ang mga Levita, sinasamahan sila ng mga pari mula sa angkan ni Aaron. At ang ikapu ng nakolekta ay dadalhin ng mga Levita sa bodega ng bahay ng aming Diyos.

39Ang mga Israelita, pati na ang mga Levita ay dapat magdala ng mga handog na trigo, bagong alak at langis sa bodega kung saan nakalagay ang mga kagamitan ng santuwaryo at kung saan nakatira ang mga pari na naglilingkod, ang mga tagapagbantay ng bahay ng Diyos, at ang mga mang-aawit. “Kaya nangako kami na hindi namin pababayaan ang bahay ng aming Diyos.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.