Nehemias 10

Ang mga Israelita, pati na ang mga Levita ay dapat magdala ng mga handog na trigo, bagong alak at langis sa bodega kung saan nakalagay ang mga kagamitan ng santuwaryo at kung saan nakatira ang mga pari na naglilingkod, ang mga tagapagbantay ng bahay ng Diyos, at ang mga mang-aawit. “Kaya nangako kami na hindi namin pababayaan ang bahay ng aming Diyos.”

Nehemiah 10:39 (UKJV) For the children of Israel and the children of Levi shall bring the offering of the corn, of the new wine, and the oil, unto the chambers, where are the vessels of the sanctuary, and the priests that minister, and the porters, and the singers: and we will not forsake the house of our God.

37“Nangako pa kami na dadalhin namin sa mga pari ang pinakamagandang klase ng aming harina at ang iba pang mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon, upang ilagay sa bodega ng Templo ng Diyos. Dadalhin din namin ang pinakamabuti naming mga prutas, at ang bagong alak at langis ng olibo. Dadalhin din namin sa mga Levita ang ikapu ng aming mga ani dahil sila ang nangongolekta ng mga ikapu sa lahat ng bayang may mga sakahan.

38Kapag mangongolekta ng ikapu ang mga Levita, sinasamahan sila ng mga pari mula sa angkan ni Aaron. At ang ikapu ng nakolekta ay dadalhin ng mga Levita sa bodega ng bahay ng aming Diyos.

39Ang mga Israelita, pati na ang mga Levita ay dapat magdala ng mga handog na trigo, bagong alak at langis sa bodega kung saan nakalagay ang mga kagamitan ng santuwaryo at kung saan nakatira ang mga pari na naglilingkod, ang mga tagapagbantay ng bahay ng Diyos, at ang mga mang-aawit. “Kaya nangako kami na hindi namin pababayaan ang bahay ng aming Diyos.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.