1Nang panahong iyon, ang mga pinuno ng mga mamamayan ay nakatira sa Jerusalem, ang banal na lungsod. Nagpalabunutan ang mga tao para sa bawat sampung pamilya ay may isang pamilyang maninirahan sa Jerusalem, habang ang ibaʼy mananatili sa mga bayan nila.
2Pinuri ng mga tao ang lahat ng nagpasyang tumira sa Jerusalem.
3Ang ibang mga Israelita, pati mga pari, mga Levita, mga tagapaglingkod sa Templo, at ang mga angkan ng mga alipin ni Solomon ay patuloy na nakatira sa kanilang sariling mga lupain sa ibaʼt ibang mga bayan ng Juda.
4Ang ibang mga mamamayan ng Juda at Benjamin ay nakatira sa Jerusalem. Ito ang mga pinuno ng mga probinsya ng Juda at Benjamin na nakatira sa Jerusalem. Mula sa lahi ni Juda: si Ataias na anak ni Uzias (si Uzias ay anak ni Zacarias; si Zacarias ay anak ni Amaria; si Amaria ay anak ni Sefatias; at si Sefatias ay anak ni Mahalalel na mula sa angkan ni Peres);